Ang Nawalang Salita

YHWH-no-J-in-Hebrew

..my valedictory address during the 28th Public Installation Ceremonies of Pagkakaisa Lodge No. 282 Elected and Appointed Officers on Jan 10, 2015..

VW Manuel Luis P. Idquival, DDGM MD NCRG, Guest of Honor and Speaker, VW Oliver V. Yabut, JGL, VW Emmanuel R. Bravo, DGL, VW Johnny Camba, DGL, VW Norman T. Tagum, DGL, VW Arnel F. Pilapil, DGL, VW Perfecto M. Pascua, DGL, VW Jorge A. Manaog, DGL, Very Worshipful Sirs , Worshipful Sirs, Brethren, Families, and Friends of Masons.

Narating ko na ang Silangan. Pero nakita ko ba sa Silangan ang hinahanap ng mga Mason? Nahanap ko ba ang nawawala? Nalaman ko ba ang sekreto na sinasabi ng Masoneya. Isang sekreto na nagpapa intriga sa mga nakakarami na hindi naman pala sekreto. Bago ko ilabas ang sekreto, nais kong magpasalamat sa mga taong tumulong at sumuporta sa akin.

2014

Unang una gusto kong pasalamatan ang Dakilang Lumikha o Arkitekto; si San Juan, and patron ng mga Mason, salamat at hindi niya ako pinabayaan sa aking mga desisyon nong pinamili ko sya noong isang taon kung anong tulong ang ibibigay nya; si Most Worshipful Roberto Q. Pagotan sa kanyang advise at tulong pinansyal, maraming salamat po; sa Council of Past Masters na pinamumunuan ni VW Wilfredo N. Delloso, PDGL, kay Secretary VW Anel F. Pilapil, kay Treasurer VW Herbert P Quimpo, CDGL, sa dating mga Senior and Junior Wardens, sa mga Appointed Officers noong 2014, sa mga Conferral Members, Brother Ali Peek, si Bro Boy Yutero, Bro Yahya Yusup, at sa mga iba pa na walang sawang nagbigay ng kanilang oras na halos bawat Sabado ay may trabaho sa Lohiya, kay Worshipful Andy Ramos para sa kanyang mga binibigay na aral sa mga kandidato, kay VW Alfredo B. Espino sa patuloy na pagtuturo ng mga tamang floor works.

Marami din ang masalimuot na issue sa Lohiya ang naayos at nag kaunawaan, maraming salamat kay dating DDGM Elson Tayko, sa kanyang pagtulong na maayos ang nakaraang hindi pagkakaunawaan. Kay VW Manny Idquival ang ngayo’y DDGM, sa kanyang mga paliwanag ayon sa rules and regulations of the Grand Lodge, sa mga abogado ng Pagkakaisa Lodge sina Bro Atty Rolly Abing at si Bro Atty Rommel Trijo, maraming salamat

Malaking tulong din ang nagawa ng mapagkawang gawa na si Bro Arthur Callanta sa mga charity works for street children. Ang mga kapatid natin sa kapulisan sa dakilang misyon nila sa donasyon ng dugo na pinangunahan ni SW Norware Tambara with St. Lukes Medical Team; Bro Ali Peek for his basketball clinic program conducted with the Youth of Belisario Subdivision. For the improvement projects of the temple, MW Roberto Q. Pagotan, VW Roseadel Ocbina, VW Arnel F Pilapil and Bro Mark Pilapil, Bro Jun Peregrin, Bro Ali Peek for the LED Lights of the temple.

Maraming salamat din sa mga Brothers na nagdonate ng food and refreshment, during my term, Bro Jun Peregrin, Bro Batch Joseph Rodas, Bro Cesar Gerente, Bro Eric Lazo, Bro Melo Mendoza, WM Christian Gerard Latoria of Batong Buhay No. 29, Bro Bayani Arit , Jr of Lancaster Lodge 437, California,

..Ituloy natin kung paano malalaman ang sekreto ng Masonerya.

2013

Noong ako ay Senior Warden ng taong 2013, tinanong ako ni Worshipful Master Len Regis, kung ako ay nakapaglakbay na, oo ang sagot ko. Saan ako pupunta, para hanapin ang nawawala. Ano ang hinahanap ko? Ang sagot ko ay ang sekreto ng mga mason. Nakita ko ba ito? Saan ko ba ito makikita. Sa silangan ba naroon o nasa kanluran. Pero ang nasa kanluran ay kahalintulad lamang. Nasaan ang totoong hinahanap, ang nawawalang salita ng Masonerya?.

2012

Noong 2012, naihalal akong Junior Warden. Ito ang taon na masimulang maglakbay ang araw sa katanghalian mula sa pagsikat sa Silangan patungong Kanluran. Maraming paghahanda ang kailangang gawin sa pagaasikaso sa mga kapatid. Kailangan ba gawin ang mga bagay na iyon para marating ko ang Silangan. Hindi ba maaari na si Master na lang ang gumawa nito, total naman magaling sya at mahusay saka marami syang pera. Hindi pala ganon ang nararapat, sakripisyo at pag-aasikaso ang kailangan, hindi dapat mapag mataas at dapat nakayapak sa lupa ang mga paa, para maipakita ang pagpapakumbaba. Nasabi ko noon sa aking sarili, na kahit ano ang mangyari, di bale ng matapakan ako, makakarating ako sa silangan at matututuhan ko ang hinahanap ng mga mason.

2003 – 2011

Sa panahon na 2004 -2011, namulat ang aking kamalayan sa misteryo ng masonerya. Kung ano ang kahulugan nito sa pagkakalikha ng sangkatauhan. Masusi kong pinag aralan ang bawat salita, ang pinanggalingan kung bakit ginagamit ng mga mason, mga ritwal na sa masonerya mo lang matatagpuan. Mga ritwal na minana pa sa mga sinaunang mga tao na ipinamana lamang sa modernong masonerya. Hindi naman sekreto ang mga turo. Mababasa mo ito sa internet gamit ang inyong mga smart phones at tabs.

Maraming pag-aaral ang aking ginawa hindi lamang sa Blue Lodge , meron din sa Red, and Purple. Pinag-aralan ko rin ito sa palalakbay ng mga bitiun at planeta sa kalawakan. Pinag –aralan ko rin sa ibat ibang gamit sa masonerya na nakikita ninyo; eskwala, compasses, setting mallet, hulog, kutsara ng mason, mga iba pa. Bawat isa ay may kanya kanyang kahulugan kasama na ang kahulugan ng paggamit nito. Talagang kailangan mong matutuhan lahat ng ito sapagkat gagamitin mo lahat sa paglalakbay patungong silangan.

Ibat-ibang sangay ng masonerya ang aking sinalihan para mag aral at marami-raming Degrees na rin ang aking natamo at naintindihan ang mga turo nito. Sabi nga sa wikang English; Masonry is a progressive moral science taught by degrees only. Maraming kaalaman na kung interesado kang malaman , katulad ko, ay makukuha mo ito.

Naging mason ako sa mga taong ito,

Raised : July 26, 2003
Passed : May 22, 2003
I was Initiated: Dec 29, 2002 during the incumbency of VW Michael V. Casipit, PDGL as Worshipful Master.

Sa loob ng labing dalawang taon na nagdaan ay marami nang nangyari sa akin kabilang na ang personal na buhay. Maaaring tadhana ang nagdala sa akin sa masonerya matapos ng pagkawatak watak ng sarili kong pamilya. Ibang klase ng buhay meron kami sa Ayala Alabang, ibang mga kaibigan sa loob ng 26 taon na paninirahan simula 1982 . Lumaki ang mga anak ko at nag- aral sa Opus Dei school sa loob ng village. Iba din ang orientation nila sa buhay based on the formation on their education, the set of friends of alabangers na mga kaibigan at ka eskwela.

Nabanggit ko na noong isang taon, na bago ako naging mason ay naging lay minister ako ng simbahan ng St James Parish sa loob ng 7 taon. Ngunit nong 2001, noong ang planetang Saturn ay tumapat na sa aking araw na Sagittarius, naging masalimuot na ang buhay. Ayon sa mga astrologers, may dalang aral sa buhay ang planetang ito. Aral na pagdadaanan ng isang nilikha sa mundong ito. Walang makakaiwas sa mga pagsubok na magaganap o maaring naganap na. Sa bawat buhay, magyayari ito ng dalawang beses sa pagitan ng 30 years. Iba iba nga lang ang uri ng pagsubok, maaaring sa pamilya, sa pagkita ng pera, sa negosyo, sa health issues, sa relasyon sa asawa, sa mga magulang at kapatid, sa propesyon, marami pang ibang pagsubok na hindi maiiwasan.

Bilang patunay, may pinagdadaanan o pinagdaanan ang mga ipinanganak ng Taurus, April 22 –May 21 sa loob ng nakaraang dalawang taon. Susunod naman ay mga ipinanganak sa buwan ng Gemini. Hind pa ako nagkamali sa aking analysis.

Napag aralan ko ang lahat ng ito sa Masonerya na kung hahanapin nyo ay makikita rin sa 25th Degree of the Scottish Rite Freemasonry o sa librong Morals and Dogma by Illustriuous Brother Albert Pike.

Tulad ni Job sa Biblia, matapos subukan ng Diyos ay nanatili syang tapat sa paghahanap ng tamang direksyon ng buhay sa mundo ayon sa gustong ipagawa ng Diyos. Sa aking pag- iisa sa katahimikan ng paligid nakita ko ang aking hinahanap. Sa aking kamalayan nakita ko ang tunay na kahulugan ng numerong 27 ng Gematria o Geometry; ang simbolismo ng 3 x 9; Nalaman ko rin ang kahulugan ng numerong 72; ang number na 432 na pag sama sama ay 9 pa rin; ang epekto ng tunog ng 432Hz; kung bakit tatlo lang ilaw ang nasa altar;

yod he vav he

Sa gitna ng compasses at eskwala, nagbigay ng pahiwatig ang mga naunang mga Mason, kung paano masusukat ang daan sa mga misteryong walang kasagutan; alam ito ng mga mistiko sa mga Templo sa Ehipto; sa kaharian ni Zerrubabel; sa simbahan ni Jeshua kasama si Propeta Haggai. Sa Templo ni Artemis na ginamit ni Haring Solomon; sa Templo ni Demeter ng sibilisasyon ng mga Griyego; sa Templo ng Babilonya; sa Templo ng Burobudor sa Sentral Java, at Sa Templo ng Masonerya,

1st degree tracing board

Tingnan ng mabuti at makikita mo ang iyong hinahanap at makakarating ka sa pamamagitan ng 72 baitang ng hagdan in Jacob at sa dulo niyon ay malalaman mo ang ibig sabihin ng mga numerong 3, 5, 7 para matunton ang bituin na sa buwan ng taglamig ay sumisikat sa silangan ng gabi ng kalangitan. Sa pamamagitan ng mga simbolo na ito ay makikita mo na ang iyong hinahanap…Ang Nawawalang Salita.

Hindi ako nagkamali sa pagkatok sa pinto ng gate ni MW Roberto Q. Pagotan, isang Past Grand Master.

So may we ever meet, act and part, my Brethren.
Thank you and goodnight.

Like · ·
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s